A (Brutal) Translation of Pope Francis’s Homily

Pope Francis’s homily is erudite, beautiful, and meaningful. Which means – at least in the context of everything that happens in this space – it should be translated.

Digression: I like Pope Francis. I’ll probably earn the ire of traditionalist Catholics for this, but I think he’s one really cool guy. Not that his mere presence here raised my personal faith to a saintly level of holiness, but it’s really cool to have the Pope around to, at the very least, unite our nation (albeit temporarily). Plus, based on the stories told about him, he seems to be one really awesome guy.

Anyway, I haven’t done translation (or any sort of writing) in a long while, though, which means this Filipino translation is as brutal, word-for-word, and not-definitive as it gets. It won’t be as refined or as fantastic as the Pope delivered it – errors everywhere, at that – but it’s probably worth a try at this point.

*     *     *

“Mahal mo ba ako? Alagaan mo ang aking mga tupa.”

Ito ang mga salita ni Hesus kay Pedro, ayon sa Magandang Balitang inihatid sa atin ngayon. Ito ang unang mga salitang ibabahagi ko sa inyo, mga kapatid na obispo at pari, mga kapatid sa pananampalataya, mga kapatid sa seminaryo. Mga salitang nagpapaalala sa atin ng isang napakahalagang bagay: na ang lahat ng paglilingkod sa Simbahan ay nagmumula sa pag-ibig. Ang banal na buhay ay simbolo ng mapagpatawad na pagmamahal ng Panginoong Hesukristo. Gaya ni Santa Teresa, lahat tayo – anuman ang ginaganap nating tungkulin – ay tinatawag ng Simbahan para maisatao’t maisabuhay ang pagmamahal na ito.

Malugod na pagmamahal ang pagbati ko sa inyo. Sana’y idala niyo ang pagmamahal ko sa ating mga matatanda’t nagkakasakit na kapatid, at sa sinumang di nakasama sa atin ngayon. Sa paggunita natin ng ikalimang siglo ng Simbahan sa Pilipinas, nagpapasalamat tayo sa pamanang iniwan ng mga nakaraang henerasyon ng mga obispo, pari, at kapatid sa pananampalataya. Ang kanilang iniwan sa atin ay higit pa sa pangangaral at matatag na Simbahan, kundi ang maghuwad ng lipunang hinugot mula sa mga natatanging aral ng Ebanghelyo: pagkakawanggawa, pagpapatawad, at pagkakaisa para sa ikabubuti ng lahat. Ngayon, ipagpatuloy ninyo ang gawain ng pag-ibig. Gaya nila, tinatawag kayo upang gumawa ng tulay, para maging pastol sa kordero ng Diyos, at para gumawa ng bagong daan para sa Ebanghelyo sa Asya sa panahon ng bagong simula.

“Sapagkat ang pag-ibig ni Kristo ang pumpilit sa atin.” Kanina, sa unang pagbasa, isiniwalat sa atin ni San Pablo na ang pag-ibig na dapat nating ihandog ay ang mapagpatawad na pagmamahal, mula sa puso ng Tagapagligtas na Siyang ipinako sa Krus. Tinatawag tayo para maging sugo sa pangalan ni Kristo. Tayo ay isang ministeryo ng pagpapatawad. Ipinapahayag natin ang Magandang Balita ng walang-hanggang pagmamahal, awa, at kahabagan ng Diyos. Ipinapahayag natin ang kagalakan ng Ebanghelyo. Sapagkat ang Balitang ito ay ang pangako ng Kanyang pagpapala, na siya lamang na makapagbibigay ng kabuuan at lunas sa ating nasisirang mundo. Ito ay siyang maaring pumukaw sa atin para gumawa ng isang lipunang ligtas at makatarungan.

Ang maging sugo sa ngalan ni Kristo ay, higit sa lahat, ang mag-anyaya sa lahat para sa isang bagong pagtatagpo sa Panginoong Hesus. Ang pag-anyayang ito ay dapat nasa kaibuturan ng inyong pagdiriwang sa katatagan ng Simbahan sa Pilipinas. Ngunit ang ebanghelyo ay isa ring pag-aakit sa Kristiyanismo, isang pagsusuri sa ating mga budhi, di lamang sa sarili ngunit pati na rin bilang isang lipunan. Gaya na rin ng tamang pagtuturo ng mga Obispo sa Pilipinas, tinatawag ang Simbahan para kilalanin ang labanan ang sanhi ng hindi pakakapantay-pantay at kawalan ng hustisya sa Pilipinas: mga kalagayang salungat sa mga aral ni Kristo. Tinatawag ng Magandang Balita ang bawat Kristiyano na mabuhay ng tapat, may dangal, at may pagmamalasakit lalo na para sa kabutihan ng nakararami. Ngunit tinatawag din nito ang mga pangkat ng Kristiyano na gumawa ng mga “lupon ng dangal,” mga lipon ng pagkakaisa na kumakalat upang tanggapin at baguhin ang lipunan at maging banal na saksi.

Bilang mga sugo ni Kristo, tayo – mga obispo, pari, mga kapatid sa pananampalatya – ay dapat manguna sa pagsasapuso nitong mapagpatawad na pagpapala. Malinaw ang ibig sabihin ni San Pablo dito. Dapat tayong tumanggi sa mga makamundong tanaw, at muling tignan ang mga bagay-bagay sa tanglaw ng ilaw ni Kristo. Dapat tayong mangunang sumuri sa ating mga konsensya, tanggapin ang ating mga pagkukulang at pagkakamali, at yakapin ang daan sa patuloy na pagbabalik-loob. Paano nga ba naman natin maipapahayag ang pagbabago, at mapagpalayang kapangyarihan ng Krus sa iba, kung tayo mismo ay sarado sa aral ng Diyos na huwag maging kampante, na huwag matakot sa pagbabago, na huwag lumagay sa paraan ng mundo, at huwag sumuko sa makamundong diwa?

Para sa atin na na mga pari’t benditado, ang pagpapaniwala sa kabaguhan ng Ebanghelyo, kailangan din natin ng araw-araw na pagtatagpo sa Diyos sa bawat dasal. Ito ang turo sa atin ng mga Santo: ito ang pinagmumulan ng kasigasigan sa gawain ng Simbahan. Para sa mga relihiyoso, ang pagsasabuhay ng kabaguhan ng Ebanghelyo ay nangangahulugan din na hanapin pa rin natin sa ating mga komunidad ang sigla para sa mas malapit na pagtatagpo sa Diyos, gamit ang ganap na kawanggawa. Para sa ating lahat, nangangahulugan nito na mabuhay tayo na tulad ng paghihirap ni Kristo, sapagkat ang Kanyang buhay ay nakatutok sa mga habilin ng Ama at paglilingkod sa bawat isa. Ngunit nakakatakot ding isipin ang tukso ng materyal na bagay na maaaring gumapang sa ating buhay, at gibain ang ating handog na pagsasaksi. Kung tayo mismo’y naging mahirap, kung tayo’y magiging mapagkumbaba, kaya nating makiramay sa ating nagdurusang mga kapatid. Makikita natin ang mga bagay sa isang bagong liwanag. Tapat at marangal nating sasagutin ang hamong ipahayag ang Magandang Balita sa isang lipunang maginhawa na sa pagkakawatak-watak, hindi pagkakapantay-pantay, at kahiya-hiyang kahirapan.

Nais kong mag-iwan ng ilang salita para sa mga nakababatang pari, at sa mga nakababatang kapatid natin dito sa Simbahan. Sana’y ibahagi niyo ang inyong kasiyahan at kasigasigan sa pagmamahal sa Diyos at sa Simbahan sa lahat, ngunit lalo na sa inyong mga kapwa-seminarista. Sana’y nariyan kayo para sa mga kabataang naguguluhan at nawawalan ng pag-asa, ngunit patuloy na tinitingala ang Simbahan bilang kanilang katuwang at kaibigan, at bukal ng pag-asa. Sana’y nariyan kayo para sa kanila na nabubuhay sa lipunang nabibigatan sa kahirapan at katiwalian, silang mga nasisira ang kalooban, silang mga natutuksong sumuko’t tumigil na sa pag-aaral, para lamang tumira sa lansangan. Alam ninyong sila’y patuloy na ginagamit ng mga kapangyarihang nagbabantang sirain ang habilin ng Diyos, at magtaksil sa mga magagandang katangiang pumukaw at humubog sa lahat ng magagandang bagay sa inyong kultura.

Katunayan, ang kulturang Pilipino ay hinubog ng haraya ng pananampalataya. Kilala ang mga Pilipino sa buong mundo nang dahil sa kanilang pagmamahal sa Diyos, taimtim na panalangin, at ang kanilang pagmamahal sa ating Mahal na Ina at ang kanyang banal na rosaryo. Ang dakilang pamanang ito ay nagdadala ng mabisang lakas para sa pangangaral ng salita ng Diyos. Nasa inyo din ang pagtanggap sa Magandang Balita, at ang pagyakap sa mensahe nito. Sa inyong paghahanda sa ika-limang siglo ng Simbahan sa Pilipinas, nawa’y ipagpatuloy niyo ang lahat nito sapagkat narito na ang saligan.

Namatay si Hesukristo para sa lahat, at di na tayo nabubuhay para sa sarili lamang, ngunit para sa Diyos. Mga kapatid sa pananampalataya: hinihiling ko kay Maria, Ina ng Iglesia, na buhusan kayong lahat ng sigla, upang paglingkuran niyo ang ating mga kapatid nang walang pag-iimbot. Sa ganitong paraan, nawa’y ang mapagpatawad na pagmamahal ni Kristo’y tumagos sa lipunang Pilipino, at sa pamamagitan ng bawat isa sa inyo, sa bawat sulok ng mundo.

Marck

ID for almost everything: @marocharim

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *