Tungkol sa Orihinal na Musikang Pilipino (On Original Pilipino Music)

Muli akong nagpapaumanhin sa anumang pagkakamali ko sa paggamit ng wikang Filipino sa maikling kuro-kurong ito, ngunit naniniwala akong dapat isulat ang talang ito sa wikang Filipino.  Anyway, translation follows. – Marocharim

Tungkol sa Orihinal na Musikang Pilipino

Iniutos ni Pangulong Aquino na muling ipatupad ang Executive Order No. 255, na kung saan dapat magpatugtog ng apat na awiting Pilipino ang mga istasyon ng radyo sa Pilipinas kada oras sa kanilang mga programang pang-musika.

Hindi layunin ng koryong ito na makipagtalastasan tungkol sa kung ano nga ba ang “awiting Pilipino” na ipaloloob sa debate ng kabihasnan at nasyonalidad, ngunit hindi ito maiiwasan.  Hindi maipagkakaila na marami sa ating mga magagaling na mang-aawit ay bihasa sa mga awiting banyaga, sa mga cover version o sa revival, o di kaya’y sa pagsasalin (tulad ng inyong lingkod, bagamat hindi ako mang-aawit).  Maaari ding ipahayag na walang “orihinal na awiting Pilipino,” hindi dahil sa usapin ng kabihasnan, ngunit tungkol sa mga katangian ng makabagong OPM na di mapagkakailang halaw sa mga istilo ng banyagang kompositor at mang-aawit.

Para sa akin, ang konsepto ng OPM ay mga istilo at porma ng musika na bahagi na rin ng iba’t-ibang kultura sa Pilipinas, gamit ang kanilang mga instrumento, wika, at pananaw.  Ang musika ay bahagi ng ating kuwento at kasaysayan; bagamat ikinalulugod nating pakinggan ang mga awitin ng ibang bansa, hindi dapat natin kalimutan o di kaya’y kasuklaman ang mga awiting atin.

Bagamat dapat purihin ang layunin ng EO 255, naniniwala pa rin ako na ang musika ay isang personal na kagustuhan, libangan, o di kaya’y kahalingan.  Naniniwala po ako na hindi solusyon sa sitwasyon ng OPM ang pagsasabatas na dapat makinig at magpasahimpapawid ang mga istasyon ng radyo ng mga awiting Pilipino.  Sa aking palagay ay walang batas sa mga istasyon ng radyo na pumipigil sa mga empleyado nito na magpatugtog ng awiting banyaga.  Sa aking hamak na pagpapalagay ay taliwas sa napakapersonal na karakter ng musika na ipilit na ipasahimpapawid ang mga awiting sadya naman ayaw pakinggan ng makikinig, o di kaya’y hindi bagay sa imahe ng istasyon.

Nakalulungkot na isipin na ang isang instrumento ng kalayaan – ang musika – ay ginagamit sa isang mapagpilit na paraan.

Isa akong masugid na tagapakinig ng musikang Pilipino, at kung kailangan man ay narito ako para ipahayag ang kagandahan ng ating musika, at kahusayan ng ating mga artista at ng industriya ng musika sa Pilipinas.  Ngunit ang ating sariling panlasa at pagkatig sa musika ay mga suhestiyon lamang sa gustong makinig.  Naniniwala ako na mas mapapasigla ang OPM kung ito ay may matibay na pundasyon; kung mamumuhunan ang pamahalaan sa mga istasyong pag-aari nito at patuloy na magpatugtog ng OPM.  Lalung-lalo na, kung ito ang mangunguna sa pagtangkilik sa OPM.  Sa pamamagitan ng de-kalidad na mga istasyon, na may makabagong kagamitan at mga dalubhasang empleyado, ay mas epektibong maibabahagi sa sambayanan ang kagandahan ng ating mga awitin, at kagalingan ng mga mang-aawit, kompositor, at manunulat sa industriya ng musika sa Pilipinas, sila ma’y nagsisimula pa lamang o batikan na sa larangan.

Hamon na rin sa kinapipitagang industriya ng musika sa Pilipinas na patuloy na gumawa ng mga de-kalidad na awitin; hindi natitigil sa kung anuman ang uso o di kaya’y kung anumang revival ang kikita.  Ang musika ay hindi idinidikta, kundi pinakikinggan: kung maganda ang awitin ay tiyak na ito’y pakikinggan.  Muli, bagamat ang layunin ng kautusang ito ay kapuri-puri, ang pagsasapraktika nito ay sumasagi sa ating sariling panlasa – at sa isang kaduluhan, ang ating mga karapatan – na mamili kung ano ang musikang ating kinahuhumalingan at pinakikinggan.  Ang sagot ay nasa mga prayoridad ng pamahalaan at sa industriya na mismo, at hindi sa sapilitang pakikinig sa awiting atin.

Translation after the break.

Now for the translation:

On Original Pilipino Music

President Aquino ordered that Executive Order No. 255 be implemented, where all radio stations should play four Filipino songs every hour on their music programs.

In this post, I don’t intend to open dialogue about what “Pilipino music” is, within the debate of heritage and nationality, but it can’t be avoided.  There’s no mistaking the fact that many of our best singers make great renditions, cover versions, or translations (like myself, though I’m not a singer) of foreign songs.  One may even say that there is no “Original Pilipino music,” not because of origin, but because many of the characteristics of modern OPM are derived from the styles of foreign composers and artists.

For me, the concept of OPM encompasses the styles and forms of music shared by the many different cultures of the Philippines; through their instruments, languages, and world-views.  Music is part of our narrative and our history; while we may enjoy foreign songs, we must never forget – or frown upon – the songs from our country.

Indeed the spirit of EO 255 must be praised, but I believe that music is a personal choice, hobby, or even passion.  I believe that a mandatory law requiring stations to play OPM is not a solution to the situation of OPM.  There are no laws or rules in radio stations that prevent employees from playing OPM.  In my humble view, to force stations to play OPM runs against the grain of the very personal nature of listening to music; whether we don’t like to listen to it, or it doesn’t reflect the image the station wants to project.

It troubles me to think that an instrument of freedom – music – is used as an instrument of coercion.

I am an avid listener of Pilipino music; if need be, I am here to spread the message and to spread the word about the beauty of our music, and the skill of our artists and the Pilipino music industry in general.  However, our personal tastes and preferences to music are mere suggestions to others who also have their preferences and are willing to listen.  I believe that revitalizing OPM could only happen when it has a strong foundation; if the government would invest in its own radio stations and play OPM.  Especially if it’s the first patron of the industry.  With quality radio stations, with state-of-the-art equipment and experts in operations, we can effectively share to the public the beauty of our songs, and talent of our singers, composers, and lyricists in the music industry; whether they’re just starting out or are legends in the field.

It’s a challenge to the well-respected music industry in the Philippines to continue writing quality songs; that it should not stop at fads or profitable revivals.  Music is not something dictated, but listened to: if the song is great it will have its share of the airwaves.  Again, though the goal of the law is admirable, in practice it brushes against our own tastes – and on one extreme, our rights – to choose what sort of songs we listen to and are passionate about.  The answer is in the priorities of government and the industry itself, and not listening under duress.

5 thoughts on “Tungkol sa Orihinal na Musikang Pilipino (On Original Pilipino Music)

  1. What does this bring us to? Most youth listen to mp3s rather than the radio. Although noble, it is the wrong move. Most youth don’t listen to OPM because of the excessive revivals. I’m sorry but that’s the truth. I think the government should rather come up with an incentive for singers and song writers to make ORIGINAL craft. I’m not against revivals itself; there are instances where the revivals best the original but in the case of the Philippines, it’s too much and OPM hasn’t been evolving. The local music industry should strive for variety.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *