The Rainer Maria Rilke Translations

By in
No comments

Normally I would write a piece dripping with so much contempt, righteous indignation, and anger over the matter of Gloria Macapagal-Arroyo’s State of the Nation Address. Normally I would mock her choice in dress, dress down her address, and tell my readers to seek redress. Yes, it was a silly-looking dress, wasn’t it? I could have sworn she looked like a cross between a Pokémon and Grimace.

Then I figured everyone will be doing it anyway.

See, if the President would have said something substantial worth criticism and wasting petiks on, then it would have made sense to make something dripping with so much contempt, righteous indignation, and anger. Yet because she did nothing but make self-aggrandizing, self-vindicating statements bordering on vendetta and desperation, I will spare myself the indignity of dignifying the President’s rant with a comment: I will NOT talk SONA today.

Anyway, this weekend, my friend Bigenya Tweeted some very interesting and inspiring quotes from Rainer Maria Rilke. It’s only lately that I got in touch with my “literary” side, so I decided to grab what I can of Rilke’s poetry (save for those discussions of “The Panther” in English class), and found myself completely awestruck.

Normally I’d play the “I’m a lyrics translator” card, but I decided that maybe I’m not just for lyrics translations. The whole translation deal just became almost automatic for me that I translated what I can of Rilke’s works. Not that I’m good at it, not that I’m a writer, and not that I’m a poet or anything like that, but I just decided to unwind by giving myself a headache.

So to protest a one-hour speech by an illegitimate President in the throes of calling a dictatorship, I am sharing ten – that’s right, ten – translations of ten poems by Rainer Maria Rilke. Only because I’m a lyrics translator and I can translate (in passing) lyric poetry. And yeah, that’s how I roll.

1.  Nadarama Sa Pagdating

“Sense of Something Coming”

Isa akong watawat sa gitna ng malawak na lupain.
Nadarama ang hangin na parating, at marapat na mabuhay
kaharap nito.
habang di pa nagbabago ang mga bagay-bagay sa mundo:
maingat pa rin ang pagsara ng pinto, at ang silungan ay pugad
ng katahimikan,
di marinig ang kalampag ng bintana, at ang abo’y di pa natatangay.

Alam ko na ang bagyo, ang hinagpis ko’y tulad ng alon
Ako’y tatalon palabas, mahuhulog,
Itatapon ang sarili ko palabas, at ako’y nag-iisa
sa hagupit ng bagyo.

2.  Kamatayan

“Death”

Halina, ang kahuli-huliang aking napapansin,
di-matiis na sakit sa tela nitong katawan:
pagkat ako’y nasusunog sa aking kaluluwa, at ngayon sa iyo din:
ang kahoy na matagal nang iniiwasan ang parating na apoy
na iyong pinaaakyat, at ngayo’y aking palalakasin
Dito liliyab.

Ang mahinahon kong pagkatao sa iyong marahas na galit
ay naging mainit na impyerno na di galing sa mundong ito
Puro, malaya sa mga pagbabalak, ako’y tumayo
sa buhol ng panggatong na ginawa para sa aking pasakit,
siguradong wala nang bibilhin pa sa hinaharap
habang ang laman ng aking puso’y nanatiling tahimik.

Ako pa nga rin ba, na doo’y nasunog ang mga gantimpala?
Di ko man lang kinuha o ipinasok ang aking mga alaala.
Buhay! Mabuhay! Ngayo’y nakalabas na!
Ako’y narito pa rin sa apoy, kung saan sa aki’y walang nakakakilala.

3.  Awit

“Song”

Sa iyo, na di ko sinasabi buong gabi’y
Ako’y lumuluha,
nadarama sa iyo, ang iyong pagkatao’y
tulad ng kanlungan.

Ikaw, na di mo sinasabi, na ikaw din ay nananatiling gising
at iniisip mo ako:
ano na, kung pasan pa nating dalawa ang pagnanasang ito
na hindi tayo nagugulat o di kaya’y nabibigatan,
kaya ba nating pakawalan?

Tignan mo ang magsing-irog, nasasaktan ng pagmamahal
na kung kailan sila’y nagsimulang umamin
sa isang iglap, nagsinungaling!

Dama ko sa iyo, ako’y mag-isa. Mga guni-guni:
sa isang sandali ikaw, susunod ang ihip ng hangin;
isang bango’y darating, lilisan, di magtatagal.
Oh, sa aking mga kamay nawala lahat ng aking minahal!
Ikaw lamang ang natitira, pinapanganak sa bawat sandali.
At dahil di man lang kita nahagkan, hahawakan kita sa isang saglit.

4.  Ang Makata

“The Poet”

Sandali ng aking diwata: bakit mo ako iniwan
Sinusugatan ng iyong pakpak, sa tuwing ika’y lilipad?
Mag-isa: ano ang mawiwika ng aking labi?

Paano ko palilipasin ang aking mga araw? Ang aking mga gabi?

Wala akong mamahalin. Wala akong matutuluyan.
Walang gitna na magbibigay saysay sa aking buhay.
Lahat ng bagay na ibinibigay ko sa akin ay yumayaman
ngunit iniiwan akong nasayangan, naghirap, nag-iisa.

5.  Ang Kapitbahay

“The Neighbor”

Kakaibang violin, bakit mo ako sinusundan?
Sa ilang siyudad sa ibayong dagat ka
nagsalita tungkol sa ating malulungkot na mga gabi
Daan-daan ba ang tumutugtog sa iyo? O iisa lamang?

Sa lahat nga ba ng tanyag na lugar may taong
na sa sakit at sa poot ng damdamin
ay hinanap na ang ilog na matatalunan, kundi dahil sa iyo?
At bakit ang iyong musika’y umaabot lagi sa akin?

Bakit nga ba ako laging kapitbahay
sa mga nawawala, sa napipilitang kumanta
at sabihing: ang buhay ay higit na mabigat
kaysa sa bigat ng mga bagay-bagay.

6.  Pag-Iisa

“Loneliness”

Ang mawalay at maging mag-isa ay tulad ng ulan.
Umaakyat patungong gabi mula sa karagatan;
mula sa kapatagan, sa matirik, sa malayo, umaakyat
patungong langit, ang dati nitong tirahan.
At tanging sa paglisan nahuhulog ang langit sa siyudad.

Umuulan, nababasa tayo, sa mga madaliang
oras na kung saan ang mga kalye’y haharap na sa umaga,
at kung ang dalawang katawan ay wala nang mahanap,
nanghihinayang at naiiyak, lilipat na lamang;
at kung ang dalawang taong kinamumuhian ang isa’t isa
ay matutulog ng sabay sa iisang kama –

doon, ang pag-iisa’y tatanggapin na ang mga ilog…

7.  Nahuhulog na mga Tala

“Falling Stars”

Naalala mo pa ba ang mga nahuhulog na mga tala
parang mga matulin na kabayo sa karera sa kalawakan
at bigla na lamang tumalon papalayo sa harang
ng ating mga pangarap – naaalala mo pa ba? At
marami pala tayong ginawa! Pagkat sadyang kay daming
mga tala: bawat sandaling tayo’y tumingala tayo’y
namangha sa bilis ng kanilang kakaibang laro,
habang tayo’y ligtas sa kapahamakan sa ating mga puso
pinapanood ang mga kumikislap na bagay na masira.

8.  Awit Ng Pag-Ibig

“Love Song”

Paano ko maitatago ang aking kaluluwa, para
di nito salangin ang sa iyo? Paano ko ito maiaakyat
sa sapat na taas, palayo sa iyo, sa ibang bagay?
Gusto ko itong kupkupin, sa malayo
at nawawalang bagay, sa lugar na madilim at tahimik
na wala akong maririnig kung ika’y parating?
Ngunit ang llahat ng bagay na humahaplos sa atin
ay nagpapalapit lamang sa atin tulad ng kwerdas ng violin,
na iisa lamang ang boses sa tuwing ito’y tutugtugin.
Saang instrumento ng musika tayo napapabilang?
Sinong musikero ang humahawak sa ating dalawa?
O, kay tamis na awitin.

9.  Tibok ng Puso

“Heartbeat”

Tayo’y labi lamang. Sino ang umaawit para
sa malayong puso
Na naroon sa gitna ng lahat ng bagay sa mundo?
Ang higanteng tibok ng kanyang puso’y napunta sa atin
gaya ng maliliit na pulso. At ang kanyang higanteng hinagpis
ay, gaya ng kanyang higanteng saya, masyadong
malaki para sa atin. Kaya tayo’y lalayo’t lilisan
mula sa kanya sa magkabilang uli, maiiwan lamang
ang labi. Ngunit di inaasahan, pawang lihim lamang
ang higanteng tibog ng puso’y papasok sa ating katauhan
at tayo’y sisigaw – ,
at magbabago ang pagkatao at sa panlabas na anyo.

10.  Larawan ng Aking Ama Bilang Isang Binatilyo

“Portrait of My Father as a Young Man”

Sa mga mata: pangarap. Ang kilay, parang nadarama
ang hinaharap. Sa mga labi, sadyang kay gandang
kapreskuhan – kaaya-aya, ngunit walang ngiti.
Sa ilalim ng mga telang nakatirintas
sa kapita-pitagang uniporme ng opisyal:
ang hawakan ng espada. Dalawang kamay ang
nakahawak dito, walang pupuntahan, kalmado
at ngayo’y halos di makita, na pawang sila’y
ang unang humawak sa kung anuman sa malayo, at nawala.
At ang lahat ay tila nawala na sa paningin
maulap, mailap, di ko maintindihan
ang aking nakikita hanggang ito’y nawawala na lamang.

O, kay bilis maglaho ng larawan
sa aking mga kamay, na tila unti-unti rin na nawawala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *